Uy, beh.

Medyo matagal tagal na rin bago ako huling nagpost dito ah.

Hmm, wala lang.

Heto na naman ako sa puntong miss na miss kita. Nyaks. Yung tipong kunwari nawrowrongsent ako sayo para lang magkausap tayo. HAHA. Tengene po. Ayun lamang.

#bakitbakasi

Advertisements

Nanaginip ako

Nagising ako ng madaling araw kagabi. Gusto kong umiyak nun, kaya lang tinatamad ako. Kaya natulog ako ulit. Haha.

Gusto kong umiyak kase napanaginipan ulit kita. Pero hindi ko na maalala kung anong ganap sa panaginip, basta nung nagising ako, gusto ko lang umiyak. Kaya lang tinatamad ako, kaya natulog na lang ako ulit. Paulit-ulit? HAHAHAHAHA.

De, miss lang kita.

Okay na yata ako?

Nakwento ko na ‘to sa kabila kong blog. Haha.

Nung isang gabi, nagising akong masaya. Napanaginipan kita. At sobrang gustong gusto ko mga naganap sa panaginip ko. Hindi ko lang maalala kung anong okasyon meron nun. Pero nakaupo tayo. Magkatabi somewhere. Nagkwekwentuhan. Nagtatawanan. Nagrereminisce. Masaya lang. Pero hindi na tayo nun. Haha. Pero habang nananaginip ako, parang aware ako kung anong nangyayari. Ganun ako minsan eh. Madalas pala. Haha. Ayun nga, at natuwa ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang ang luwag lang sa pakiramdam. Haha.

Yung feeling na okay na ako. Masaya na rin. Kahit wala ka. Sinusubaybayan ko pa rin ang facebook mo. Nakikita ko parin pinaggagawa mo sa buhay mo. HAHAHA. Ang payat mo na ah! At masaya ako para sayo, dahil yan naman talaga gusto mo. HAHAHA. Hindi ko alam kung anong meron, pero wala na kong naramdaman na pait or lungkot or kung anumang hindi magandang pakiramdam. Basta, alam ko masaya lang ako.

Ganito pala yun. Pag tanggap mo na. Magiging okay din pala. Ayus na yun. Hihi.

Padayon!