Woaaaah..

Eto na yata tayo sa puntong parang walang pinagsamahan. HAHAHA. Siguro kase hindi ko pa matanggap? Na ganito. Na parang wala na lang ako sayo. Tangina besh. Bat kasi. Pota. Ibang iba ka na sakin. As in. Pero hindi naman kita dapat sisihin kasi ako naman may kasalanan. Ako naman kasi yung dapat mag-adjust. Pero wala eh. Haha.

Parang ngayon ko pa lang narerealize na dapat ko nang tanggapin? Na hindi na nga talaga tayo pwedeng maging magkaibigan? Or wala na nga talagang sigurong chance na maging magkaibigan pa gaya ng naiisip ko. Kagabe sa bus habang pauwi, naluluha luha na naman ako. HAHA. Punyeta kasi yan.

Nagpost ka sa on my day mo ng free travel incentive dahil sa usana mo, minessage kita kung meron bang panewyork niyan. Actually sinabi ko yun para lang may mapag-usapan if ever. Naaalala mo pa kaya yun? Yung planong dinner sa New York? Haha. Baka hindi na, kasi ang reply mo lang sakin, “wala e haha” so nireplyan na lang kita ng “okay po.”

Gusto kong intindihin pero parang alam ko na rin naman yung sagot. Wala naman na tayo eh. Bakit pa ko gumaganito? HAHA. Badtrip diba. Feeling ko nga baka dahil may bago kana, although tinanong naman kita, sabi mo wala naman. Pero sana kung meron man, malaman ko na lang din, para tangina magtigil na ko. Punyetang feelings ‘to.

Hanggang ngayon wala pa ring araw na hindi kita naiisip. Lagi ko na lang napapanaginipan ang mga bagay bagay. Pero infairness talaga sayo, never kang naginitiate ng conversation ha. Haha. Iniisip ko tuloy sa birthday ko, tutal malapit na yon, babatiin mo kaya ako? Or kung babatiin mo ko, kakausapin ba kita? May mapag-uusapan ba tayo?

Simula nang pagdesisyunan kong iwan ka, parang lalong naging mahirap. Parang lagi na lang akong nagpapanggap na masaya. Minsan talaga, iniisip ko na lang matulog na lang talaga forever eh. Pero hindi ko naman magawang saktan yung sarili ko para lang matigil na tong punyetang feelings nato.

Nagprapray na lang ako na kunin na lang ako ni Lord agad agad, ipalit na lang ako sa mas nangangailangan ng life. Ayoko na besh. Hindi lang naman dahil sa pag-ibig. Lalo lang sigurong nadagdagan ng pag-ibig ang kagustuhan kong lumisan na lang sa mundo. Hanggang ngayon kase, iniisip ko pa rin kung ano ba talagang purpose ko in life. Pero wala eh. Ang tamad tamad ko pang tao. Wew.

Ayoko na.

Naniniwala na ako..

Naniniwala na ako na hindi na pala talaga sigurong pwedeng maging magkaibigan ang mga taong may matagal na pinagsamahan. Well, based on mga nangyayari ngayon. Haha. Iba na besh. Parang hindi na nga kaibigan yung turing mo sakin. Ewan ko lang. Or baka dahil natiyetiyempuhan lang siguro na busy ka kapag nangangamusta ako. Yung dating kamustahan na umaabot hanggang madaling araw, ngayon, isang tanong isang sagot na lang. Haha.

Eh ano nga bang magagawa natin. Iniwan ko eh. Wew.

Pero siguro nakakamiss lang din. Tapos, iniisip ko kung maghohold pa rin ako sa huling message mo sakin. Na parang walang magbabago, I mean, friends pa rin naman, ganern. Pero sino ba naman ako para magdemand pang maging parte ng buhay mo diba. Boom!

Sakit naman ng linyang yon. HAHAHA! Tama na muna yun.

Kamusta na?

Andiyan ka pa ba? 

Gustong gusto na naman kitang imessage at kausapin at kamustahin. Haaaaayst. Naiisip ko pa rin ba ako? Kasi walang araw na hindi ka pa rin nawawala sa isip ko. Punyeta ka. Hahahaha. 

Kailan mo kaya ako kakamustahin? Parang gusto ko na agad magbirthday ako para may reason na na kamustahin at kausapin mo ulit ako. Wew. 

Bakit ba kaai hindi ko mabitawan yung huli mong message na lagi ka lang nandiyan para saken? leche. Pagkatapos ng isang taon, wala pa ring nagbabago. Mahal pa rin kita. 

Lagi kong iniisip kung paano ba ako makakatakas sa kalungkutan. O kung paano ko ba to lalagpasan. Gusto kong itanong sayo kung paano mo nakakayanan, dahil mukhang hindi ka naman na nahihirapan. Hayst. 

Hinihiling ko na nga na magkajowa ka na para mawalan na talaga ako ng urge na imessage ka. Wew. Ang hirap hirap hirap. 

Gusto ko na lang talaga matulog forever. Yun na lang talaga ang paraan para hindi ka maisip. Matulog na lang, forever. 

Feelings

Nitong sunday, habang nanunuod ng How To Be Yours, biglang sinabi saakin na nasa quezon ka raw, based sa Facebook post mo. So… pinuntahan ko ang profile mo at nakita ko ang post mo.

“Lamig dito bes… parang feelings niya. :(”

Yan ang caption. Haha! Natawa ako. Kaya nagstatus ako nang, “Di naman malamig eh. Haha.” pero watching How To Be Yours ang nakalagay sa status. HAHAHA

Ang shunga pa ni Mich, hindi niya nagets yung niistatus ko. Hahaha! So pinalipas ko na. Tapos after ilang oras, binalikan ko yung status mo, nagcomment si Denis ng screenshot ng pagkakakita niya sa feed niya. Magkasunod yung post natin bes. HAHA!

Natatawa ako na ewan. Pero totoo naman yon. Hindi naman talaga lumamig ang feelings ko sayo. Never naman yata magiging malamig. Naks! Haha.

Pero wala lang, akala ko lang kasi magrereact ka. At magkakaroon ka na ng dahilan para kausapin ako. Kwentuhan lang saglit sana. Haha. Pero wala eh. Hindi ko alam kung gets mong sinasadya ko yung status na yun. Pero mukhang hindi mo naman gets. Oh well. Okay lang, hindi rin naman talaga kita masisisi. Haha. Ganern talaga.

Parang ang hirap hirap pa rin talagang isink-in lahat. Never na nagkaroon ng araw na hindi ka sumasagi sa isip ko. Kamusta ka na kaya? Medyo payat ka na nga eh. Although, okay lang din naman, pero parang mas bet ko yung pagkataba mo. HAHAHAHA.

Maikling post lang naman talaga dapat ‘to eh. Kaya lang, namimiss na naman kita. Wew.

 

Congrats!!!!

Hi! Gusto kitang imessage at icongratulate dahil napromote ka. Naks! Pero dahil sabi mo ngang gusto mo nang magmove-on, okay! Di na nga pala kita dapat imessage. Haha. Pero masaya ako para sayo 🙂

Sayang lang no, hindi ako kasama sa tagumpay mo, char. Hahaha. Pero okay lang, alam ko namang masaya ka naman diyan. Dito na lang kita icocongrats kahit na hindi mo naman mababasa. Hahahaha.

Tangina mo Poy!

Depota. Huling beses na yun na kakausapin kita. PANGAKO.

Hinding hindi na kita imemessage. Hinding hindi ko na bibisitahin yang lecheng profile mo sa Facebook. Tangina. Awkward palang mag-usap pa tayo? Okay. HAHAHAHA. Halos sampung taon na tayong magkakilala/magkaibigan, tapos ngayon mo sasabihing naawawkwardan ka. Akala ko strong ka beh. Akala ko lang pala. Lintik na akala yan!

Tinanong ko lang naman kung pagkatapos ba ng lahat ng ito eh naiisip mo pa rin ba ako? Kasi never kang naginitiate ng usapan. Tapos sasabihin mo sakin na sukatan ba ang pangangamusta para masabing naiisip mo ako, well tama ka nga dun. Pero hindi ko matanggap is sinasabi mong hindi mo ko kakamustahin kasi awkward na kamustahin ako every now and then. PUNYETA! HAHAHAHA!

Sinave save ko pa yung punyetang text message mo sakin pagkatapos ng huli nating pag-uusap. Tangina. Whoooo! Akala ko pwede kong paniwalaan yung sinabi sakin nila Ken na may pake ka pa sakin. Kahit na hindi talaga ako naniniwala kasi alam kong galit ka sakin. Pero tangina talaga. TANGINA!

Alam mo yung umaasa akong magiging okay pa rin tayo kahit wala tayo? I mean, hindi naman kasi tayo tulad ng iba na magulo ang buhay. Gets mo ba. Hindi kasi ganun ang nafoforesee ko. Akala ko pwede talagang maging magkaibigan. Ayus lang kahit hindi ganun kaclose na magkaibigan. Pero atleast magkaibigan pa rin sana. Pero wala eh. FINE! Kung yan ang gusto mo. Leche ka. Sarap isampal sayo na eh kung ikaw kaya ‘tong magconvert. Buset ka.

Tangina. Hindi ko inexpect na ganito parin pala ang impact. Yung kahit na ang dami mo nang pinuntahan/ininuman/pinagpuyatan makalimot lang saglit sa sakit, wala pa rin pala. Depota!

Para pa rin akong nasa unang araw ng hiwalayan. Tangina bes. TANGINA TALAGA! Gusto kong magpasabog ng building dito sa Makati, pero yung walang mamamatay at masasaktan, ako lang.

HULI NA TO. PUNYETA!