Maligayang? Kaarawan.

So, nung araw ng birthday ko, madaming bumabati. Pero sayo lang talaga yung hinihintay ko. As in sobrang takang taka ako kasi matatapos na ang araw pero hindi ka pa rin bumabati. Bakit? 

Ay puta. Kasama ka pala sa mga magsusuprise birthday greet sa akin. OKAY. So minessage kita, at nagthank you ako sayo. Okay naman. Sabi mo hindi mo na ko tinext or message kasi may video greeting naman. Haha. Leche ka. Hmmm okay. Pwede na rin. Pero ang cold na rin naman ng mga reply mo sa akin. May karapatan ba akong magreklamo? HAHA. Kingina. 

Well, may history ka naman kasi na mas bet mong public emerut kaysa sa tayong dalawa lang. Magkaiba kasi tayo eh. Sakin kasi wala akong pake kung anong isipin ng iba or kung anong maperceive nila basta sating dalawa nagkakaintindihan tayo. Kaya lang iba ka kasi talaga. Parang ang perception ko sa video mo is para lang ipakita sa iba na mahal mo pa rin ako? Bullshit! Eh bakit nung nagkausap tayo, parang hindi naman? Feeling ko napilitan ka lang sa vid. Feeling ko galit ka. Feeling ko hindi ka na talaga katulad ng dati. Alam mo yun? Pero anong magagawa ko? Eh ako yung nang-iwan eh. Puta. 

Tapos, alam ko, nararamdaman ko na sa mga friends natin, ikaw yung mas may mahal sa kin kaysa sa mahal kita. Pero mas alam ko sa sarili kong mas mahal kita kaysa sa mahal mo ako. Tingnan mo ngayon. Ahahahaha. PUCHA. NEVER KANG NAGMESSAGE NA IKAW ANG NAGINITIATE. Hayst. Nakakabadtrip yung sitwasyon. Nakakabadtrip na nakakapagod. 

Gustong gusto pa kitang mahalin. Pero parang ayaw mo na yata. Pero sabagay naman kasi. Pak religion nga diba. Tangina kasi yan! 

Miss na miss na kita kung alam mo lang. 

Advertisements

Woaaaah..

Eto na yata tayo sa puntong parang walang pinagsamahan. HAHAHA. Siguro kase hindi ko pa matanggap? Na ganito. Na parang wala na lang ako sayo. Tangina besh. Bat kasi. Pota. Ibang iba ka na sakin. As in. Pero hindi naman kita dapat sisihin kasi ako naman may kasalanan. Ako naman kasi yung dapat mag-adjust. Pero wala eh. Haha.

Parang ngayon ko pa lang narerealize na dapat ko nang tanggapin? Na hindi na nga talaga tayo pwedeng maging magkaibigan? Or wala na nga talagang sigurong chance na maging magkaibigan pa gaya ng naiisip ko. Kagabe sa bus habang pauwi, naluluha luha na naman ako. HAHA. Punyeta kasi yan.

Nagpost ka sa on my day mo ng free travel incentive dahil sa usana mo, minessage kita kung meron bang panewyork niyan. Actually sinabi ko yun para lang may mapag-usapan if ever. Naaalala mo pa kaya yun? Yung planong dinner sa New York? Haha. Baka hindi na, kasi ang reply mo lang sakin, “wala e haha” so nireplyan na lang kita ng “okay po.”

Gusto kong intindihin pero parang alam ko na rin naman yung sagot. Wala naman na tayo eh. Bakit pa ko gumaganito? HAHA. Badtrip diba. Feeling ko nga baka dahil may bago kana, although tinanong naman kita, sabi mo wala naman. Pero sana kung meron man, malaman ko na lang din, para tangina magtigil na ko. Punyetang feelings ‘to.

Hanggang ngayon wala pa ring araw na hindi kita naiisip. Lagi ko na lang napapanaginipan ang mga bagay bagay. Pero infairness talaga sayo, never kang naginitiate ng conversation ha. Haha. Iniisip ko tuloy sa birthday ko, tutal malapit na yon, babatiin mo kaya ako? Or kung babatiin mo ko, kakausapin ba kita? May mapag-uusapan ba tayo?

Simula nang pagdesisyunan kong iwan ka, parang lalong naging mahirap. Parang lagi na lang akong nagpapanggap na masaya. Minsan talaga, iniisip ko na lang matulog na lang talaga forever eh. Pero hindi ko naman magawang saktan yung sarili ko para lang matigil na tong punyetang feelings nato.

Nagprapray na lang ako na kunin na lang ako ni Lord agad agad, ipalit na lang ako sa mas nangangailangan ng life. Ayoko na besh. Hindi lang naman dahil sa pag-ibig. Lalo lang sigurong nadagdagan ng pag-ibig ang kagustuhan kong lumisan na lang sa mundo. Hanggang ngayon kase, iniisip ko pa rin kung ano ba talagang purpose ko in life. Pero wala eh. Ang tamad tamad ko pang tao. Wew.

Ayoko na.

Naniniwala na ako..

Naniniwala na ako na hindi na pala talaga sigurong pwedeng maging magkaibigan ang mga taong may matagal na pinagsamahan. Well, based on mga nangyayari ngayon. Haha. Iba na besh. Parang hindi na nga kaibigan yung turing mo sakin. Ewan ko lang. Or baka dahil natiyetiyempuhan lang siguro na busy ka kapag nangangamusta ako. Yung dating kamustahan na umaabot hanggang madaling araw, ngayon, isang tanong isang sagot na lang. Haha.

Eh ano nga bang magagawa natin. Iniwan ko eh. Wew.

Pero siguro nakakamiss lang din. Tapos, iniisip ko kung maghohold pa rin ako sa huling message mo sakin. Na parang walang magbabago, I mean, friends pa rin naman, ganern. Pero sino ba naman ako para magdemand pang maging parte ng buhay mo diba. Boom!

Sakit naman ng linyang yon. HAHAHA! Tama na muna yun.

Kamusta na?

Andiyan ka pa ba? 

Gustong gusto na naman kitang imessage at kausapin at kamustahin. Haaaaayst. Naiisip ko pa rin ba ako? Kasi walang araw na hindi ka pa rin nawawala sa isip ko. Punyeta ka. Hahahaha. 

Kailan mo kaya ako kakamustahin? Parang gusto ko na agad magbirthday ako para may reason na na kamustahin at kausapin mo ulit ako. Wew. 

Bakit ba kaai hindi ko mabitawan yung huli mong message na lagi ka lang nandiyan para saken? leche. Pagkatapos ng isang taon, wala pa ring nagbabago. Mahal pa rin kita. 

Lagi kong iniisip kung paano ba ako makakatakas sa kalungkutan. O kung paano ko ba to lalagpasan. Gusto kong itanong sayo kung paano mo nakakayanan, dahil mukhang hindi ka naman na nahihirapan. Hayst. 

Hinihiling ko na nga na magkajowa ka na para mawalan na talaga ako ng urge na imessage ka. Wew. Ang hirap hirap hirap. 

Gusto ko na lang talaga matulog forever. Yun na lang talaga ang paraan para hindi ka maisip. Matulog na lang, forever. 

Magandang Umaga!

Ang ganda ng panaginip ko ngayon, kaya kailangan ko tong ipost para hindi ko makalimutan. Beh, nandun ka na naman, at nag-usap tayo. Pero hindi na rin tayo dito. Haha. Post eme na. Friends na lang. Ganern. Okay naman ang usapan. 

Nasa beach ang setting. Huhu. Tapos parang nasa cliff pa nga tayo sabay hampas hampas ng alon. Haha. Habang pinapanaginipan ko, pinipilit ko na siyang isave sa utak ko, yung moment at topic natin. Pero moment na lang naalala ko. Hahaha. Yung topic hindi. Tapos, ayun, wala lang. Masaya. Hihi. 

Tapos pagtingin ko sa facebook mo, Director ka na pala sa Usana. Haha. Masaya ako para sayo. Pero mas masaya siguro kung kasama mo akong naabot yun no? Pero okay lang din. Baka hindi mo pala maabot yan kung kasama mo ako. Hahahaha. BI kase ako eh. Wew. 

Namimiss na naman tuloy kita. Imemessage ba kita? Sige. Tutal, napromote ka naman. Haha. Wenks. 

Feelings

Nitong sunday, habang nanunuod ng How To Be Yours, biglang sinabi saakin na nasa quezon ka raw, based sa Facebook post mo. So… pinuntahan ko ang profile mo at nakita ko ang post mo.

“Lamig dito bes… parang feelings niya. :(”

Yan ang caption. Haha! Natawa ako. Kaya nagstatus ako nang, “Di naman malamig eh. Haha.” pero watching How To Be Yours ang nakalagay sa status. HAHAHA

Ang shunga pa ni Mich, hindi niya nagets yung niistatus ko. Hahaha! So pinalipas ko na. Tapos after ilang oras, binalikan ko yung status mo, nagcomment si Denis ng screenshot ng pagkakakita niya sa feed niya. Magkasunod yung post natin bes. HAHA!

Natatawa ako na ewan. Pero totoo naman yon. Hindi naman talaga lumamig ang feelings ko sayo. Never naman yata magiging malamig. Naks! Haha.

Pero wala lang, akala ko lang kasi magrereact ka. At magkakaroon ka na ng dahilan para kausapin ako. Kwentuhan lang saglit sana. Haha. Pero wala eh. Hindi ko alam kung gets mong sinasadya ko yung status na yun. Pero mukhang hindi mo naman gets. Oh well. Okay lang, hindi rin naman talaga kita masisisi. Haha. Ganern talaga.

Parang ang hirap hirap pa rin talagang isink-in lahat. Never na nagkaroon ng araw na hindi ka sumasagi sa isip ko. Kamusta ka na kaya? Medyo payat ka na nga eh. Although, okay lang din naman, pero parang mas bet ko yung pagkataba mo. HAHAHAHA.

Maikling post lang naman talaga dapat ‘to eh. Kaya lang, namimiss na naman kita. Wew.