Hindi kita maintindihan.

Simula nang mawala yung “tayo”. Feeling ko mas nagiging magandang version yang sarili mo ngayon. Feeling ko, ako lang talaga yung hadlang sa pagiging ” better version” mo. Ganun ba talaga yun?

Tumatakbo ka na ngayon. Kaya mo naman pala mag-isa eh. Bakit nung tayo pa, nag-eemote kang ayaw mo tumakbo kasi wala kang kasama? Eh bakit ngayon? Di ko gets.

Pero hindi naman kita masisisi. Kung yan siguro ang paraan mo para makalimot.

Paano mo nga ba naman kakalimutan ang pitong taon sa isang iglap lang? Mahabang proseso diba?

Araw-araw, hinihiling ko kung pwede bang wala na lang akong maramdaman.

Yung kahit na anong ipost mo sa Facebook mo, hindi ako maaapektuhan. Hindi ako magtatanong kung anong ginawa mo, kung nasaan ka, kung sinong kasama mo.

Gusto ko nang huminto.

Huminto sa patuloy na paglalakbay na hindi ka naman kasama.