Congrats!!!!

Hi! Gusto kitang imessage at icongratulate dahil napromote ka. Naks! Pero dahil sabi mo ngang gusto mo nang magmove-on, okay! Di na nga pala kita dapat imessage. Haha. Pero masaya ako para sayo 🙂

Sayang lang no, hindi ako kasama sa tagumpay mo, char. Hahaha. Pero okay lang, alam ko namang masaya ka naman diyan. Dito na lang kita icocongrats kahit na hindi mo naman mababasa. Hahahaha.

Tangina mo Poy!

Depota. Huling beses na yun na kakausapin kita. PANGAKO.

Hinding hindi na kita imemessage. Hinding hindi ko na bibisitahin yang lecheng profile mo sa Facebook. Tangina. Awkward palang mag-usap pa tayo? Okay. HAHAHAHA. Halos sampung taon na tayong magkakilala/magkaibigan, tapos ngayon mo sasabihing naawawkwardan ka. Akala ko strong ka beh. Akala ko lang pala. Lintik na akala yan!

Tinanong ko lang naman kung pagkatapos ba ng lahat ng ito eh naiisip mo pa rin ba ako? Kasi never kang naginitiate ng usapan. Tapos sasabihin mo sakin na sukatan ba ang pangangamusta para masabing naiisip mo ako, well tama ka nga dun. Pero hindi ko matanggap is sinasabi mong hindi mo ko kakamustahin kasi awkward na kamustahin ako every now and then. PUNYETA! HAHAHAHA!

Sinave save ko pa yung punyetang text message mo sakin pagkatapos ng huli nating pag-uusap. Tangina. Whoooo! Akala ko pwede kong paniwalaan yung sinabi sakin nila Ken na may pake ka pa sakin. Kahit na hindi talaga ako naniniwala kasi alam kong galit ka sakin. Pero tangina talaga. TANGINA!

Alam mo yung umaasa akong magiging okay pa rin tayo kahit wala tayo? I mean, hindi naman kasi tayo tulad ng iba na magulo ang buhay. Gets mo ba. Hindi kasi ganun ang nafoforesee ko. Akala ko pwede talagang maging magkaibigan. Ayus lang kahit hindi ganun kaclose na magkaibigan. Pero atleast magkaibigan pa rin sana. Pero wala eh. FINE! Kung yan ang gusto mo. Leche ka. Sarap isampal sayo na eh kung ikaw kaya ‘tong magconvert. Buset ka.

Tangina. Hindi ko inexpect na ganito parin pala ang impact. Yung kahit na ang dami mo nang pinuntahan/ininuman/pinagpuyatan makalimot lang saglit sa sakit, wala pa rin pala. Depota!

Para pa rin akong nasa unang araw ng hiwalayan. Tangina bes. TANGINA TALAGA! Gusto kong magpasabog ng building dito sa Makati, pero yung walang mamamatay at masasaktan, ako lang.

HULI NA TO. PUNYETA!

Nanaginip ako

Nagising ako ng madaling araw kagabi. Gusto kong umiyak nun, kaya lang tinatamad ako. Kaya natulog ako ulit. Haha.

Gusto kong umiyak kase napanaginipan ulit kita. Pero hindi ko na maalala kung anong ganap sa panaginip, basta nung nagising ako, gusto ko lang umiyak. Kaya lang tinatamad ako, kaya natulog na lang ako ulit. Paulit-ulit? HAHAHAHAHA.

De, miss lang kita.

Okay na yata ako?

Nakwento ko na ‘to sa kabila kong blog. Haha.

Nung isang gabi, nagising akong masaya. Napanaginipan kita. At sobrang gustong gusto ko mga naganap sa panaginip ko. Hindi ko lang maalala kung anong okasyon meron nun. Pero nakaupo tayo. Magkatabi somewhere. Nagkwekwentuhan. Nagtatawanan. Nagrereminisce. Masaya lang. Pero hindi na tayo nun. Haha. Pero habang nananaginip ako, parang aware ako kung anong nangyayari. Ganun ako minsan eh. Madalas pala. Haha. Ayun nga, at natuwa ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang ang luwag lang sa pakiramdam. Haha.

Yung feeling na okay na ako. Masaya na rin. Kahit wala ka. Sinusubaybayan ko pa rin ang facebook mo. Nakikita ko parin pinaggagawa mo sa buhay mo. HAHAHA. Ang payat mo na ah! At masaya ako para sayo, dahil yan naman talaga gusto mo. HAHAHA. Hindi ko alam kung anong meron, pero wala na kong naramdaman na pait or lungkot or kung anumang hindi magandang pakiramdam. Basta, alam ko masaya lang ako.

Ganito pala yun. Pag tanggap mo na. Magiging okay din pala. Ayus na yun. Hihi.

Padayon!