Next time ko na lang ikwekwento nag ganap nung nagkita tayo ulit. Sa ngayon, gusto ko lang sabihin na nimute kita sa ig story eme para hindi ka mag appear dun sa mga papanuorin. Kasi shuta. Ang sakit. Pero okay lang naman. Pero masakit. Hahahahaha. Kingina.

Nahihirapan ako tanggapin day. Kasi hindi ko alam. Kasi alam mo yung wala akong palag sa tadhana? Wala akong magawa. Walabakong kahit na anong pukinanginang magawa kung tanggapin na dapat. Pero bakit ang hirap? 

I mean. Nabubusy naman ako minsan. Pero pag nag-isa na lang ako. Dun na naman bumabalik lahat. Shuta. Ayoko na. Huhuhuhu. 

Ayoko na magtrabaho. Gusto ko na lang magpakalunod sa alak. Tangina talaga. Gusto kong manisi ng tao, pero wala naman akong masisi. Its just that. Tangina ng life. Tangina talaga. 

Advertisements

So nagkita tayo sa lamay ni etti. At inorient ko na si juns kung anong mga nalalaman ko sa mg ig story mo pati initials ni ate gurl na hint ko, sinabi ko. Pero hindi namin nahita sayo yung initials. Hahahahaha. Pero okay lang. Umamin ka naman na na may nililigawan ka. Medyo awkward nung una, pero nung unang pagkatanong sayo kung may iba ka na tapos ngumiti ka na, ayun na. Hahahahaha. Okay na. Fine. Confirmed. 

Atleast hindi na ako mawiwindang kakaisip kung meron ka na talaga or wala kasi hindi mo naman nako nirereplyn sa chat. Hahaha. Gusto ko lang naman talagang makakita ka ng bago bago ako tuluyang umusad sa punyetang life na to. Wala akong pinagsabihan non eversince hahahaha pero parang yan ang pinangako ko sa sarili ko nung iniwan kita na sana maging masaya ka kahit hindi na ako ang magpapasaya sayo. Basta masaya kanna, g na ako doon. 

At kailangan ko lang din talagang malaman sayo mismo. Kasi basta. Alam mo naman ang chismis. Hahahaha. So yun, masakit naman siya ng slight na lang kasi ineexpect kong totoo. Kumbaga, naanticipate ko na ang pain. Haha. So keri lang. Laban lang. Parang nagkaroon na lang din sakin ng relief kasi atleast diba, hindi ka na malulungkot. Hahahahaha. 

Totoo lang din naman yung mga sinagot ko sa mga tanong nila, na minahal mo naman ako. At minahal din naman kita. Iargue mo na lang kung di mo naramdaman. Haha. 

Pero paalala ko lang ah. 2 years na tayong break. Check mo na lang sa kasal ni mina. 2016 yon. 2018 ngayon. Hahahahha. Pero keri lang. 

Tapos natira tayong dalawa. Pagkatapos kong malaman ang katotohanan, parang naisip ko na wala naman na akong karapatang kausapin or kamustahin ka pa kasi alam ko namang okay ka na diba. Siguro kung wala kang nililigawan, kakausapin kita day. Siguro tama naman ginawa ko diba? Pero shuta nung pauwi na ko, parang nagsisi ako ng slight sa grab na sana kinausap na lang pala kita. Tas naisip ko ulit na ay hindi okay lang na hindi kita kinausap. Kasi wala naman nang sense diba? I mean hindi naman na ako umaasa na magkakabalikan pa tayo kasi alam ko namang hindi na. Pero parang ang hirap lang din ilugar na kung magkaibigan pa ba tayo? Kasi ewan ko ha. Siguro kung ako yung naunang may bago, kakamustahin kita. Ako ang mag iinitiate. Pero never naman ako nagkaroon ng bago. Hahahahaha. Although may mga nagparamdam na iba dati, wala eh. Nag hold ako dun sa sinabi ko sarili kong dapat ikaw muna magkaroon ng bago. So ayun. 

Kailangan ko lang ikwento to kasi basta. Kailangan kong ivent out. Di ko na rin naman alam kung mababasa mo pa to or hindi. Pero basta, ngayong alam kong confirmed na na may bago ka na, maging kayo man or hindi, basta, masaya na ako para sayo. Yun lang naman yung gusto ko. Na sana makahanap ka ng ibang magmamahal sayo. Nang magpapasaya sayo. Okay na ko don. 

Sinend ni shie yung ig story mong tumatalon si ate gurl. Haha. So, alam na nila na baka nga may bago kana. Actually hindi ko pa sinasabi sakanila yun, yung hooman ig story mo lang ang pinakita ko kila carol at nics. Haha.  Lasing ako nun eh. At yun yung dahilan kung bat ako nagpalasing non. Grabe. Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin kita makalimutan? Hindi pa rin pala talaga ako nakakamove on sayo. Hindi ko alam. Shuta.

Kasabay ng pagmomove on ko sayo eh yung paghahanap ko ng purpose ko in life na pukinanginang hindi ko alam kung ano nga bang silbi ko sa mundo. Gusto ko na lang talagang mawala eh. Parang wala naman na talaga kasi akong gusto pang gawin sa mundo. Araw araw tuwing nagcocommute ako, ginugusto kong mabangga yung sinasakyan ko pero ako lang yung masasaktan. Ayoko na talaga. HAHAHA

Kinginang buhay to.

Tangina naman eh. Bat ka nagpopost sa ig story ng mga quick cover mo. Shuta. Tapos PROM pa? Aga aga, nagpapaiyak ka dito sa office. Dyuskooooooooooooo. Hindi ko kinaya!!!

So, nagpost ka na namansa IG Story mo ng picture ni ate gurl habang naglalaro kayo yata sa PC. Tapos hanggang ngayon, hindi matanggal sa isip ko yung picture na yun na sa wakas, may nagpapaligaya na sayong muli. Kaya mula ngayon, hindi na siguro kita imemessage. Promise. Since, may bago naman na yata. Hindi ko sure ah. Kasi hindi mo naman ako nireplyan dun sa minessage ko sayo kung siya rin ba yung kasama mo sa Van Gogh na kadate mo. Pero magiging okay lang din naman siguro ako. Haha.

Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi parang bumabalik yung feeling nung panahong nabasa ko yung text message mo nun kay Megan na niyaya mo siya magreview. Hahahaha. Shuta. Di talaga ako makamoveon don. Ewan ko. Parang ang sakit pala talaga maloko ng tadhana. Hahahaha.

Anyway, kung mabasa mo man to, gusto ko lang malaman mo na masaya ako para sayo. Na deserve mong maging masaya. Kahit na hindi na ako yung magpapasaya sayo.

So may pinost kang gurlaloo sa ug story mo witha Rameb. Hahahaha. Siya rin ba yung kasama mo sa Van Gogh? Tangina ko. Bat kasi inoopen ko pa yang mga lecheng post mo. Hayst. Hirap huminga. Wew. Basta kung masaya ka. G mo na yan. Haha.