So nagkita tayo sa lamay ni etti. At inorient ko na si juns kung anong mga nalalaman ko sa mg ig story mo pati initials ni ate gurl na hint ko, sinabi ko. Pero hindi namin nahita sayo yung initials. Hahahahaha. Pero okay lang. Umamin ka naman na na may nililigawan ka. Medyo awkward nung una, pero nung unang pagkatanong sayo kung may iba ka na tapos ngumiti ka na, ayun na. Hahahahaha. Okay na. Fine. Confirmed. 

Atleast hindi na ako mawiwindang kakaisip kung meron ka na talaga or wala kasi hindi mo naman nako nirereplyn sa chat. Hahaha. Gusto ko lang naman talagang makakita ka ng bago bago ako tuluyang umusad sa punyetang life na to. Wala akong pinagsabihan non eversince hahahaha pero parang yan ang pinangako ko sa sarili ko nung iniwan kita na sana maging masaya ka kahit hindi na ako ang magpapasaya sayo. Basta masaya kanna, g na ako doon. 

At kailangan ko lang din talagang malaman sayo mismo. Kasi basta. Alam mo naman ang chismis. Hahahaha. So yun, masakit naman siya ng slight na lang kasi ineexpect kong totoo. Kumbaga, naanticipate ko na ang pain. Haha. So keri lang. Laban lang. Parang nagkaroon na lang din sakin ng relief kasi atleast diba, hindi ka na malulungkot. Hahahahaha. 

Totoo lang din naman yung mga sinagot ko sa mga tanong nila, na minahal mo naman ako. At minahal din naman kita. Iargue mo na lang kung di mo naramdaman. Haha. 

Pero paalala ko lang ah. 2 years na tayong break. Check mo na lang sa kasal ni mina. 2016 yon. 2018 ngayon. Hahahahha. Pero keri lang. 

Tapos natira tayong dalawa. Pagkatapos kong malaman ang katotohanan, parang naisip ko na wala naman na akong karapatang kausapin or kamustahin ka pa kasi alam ko namang okay ka na diba. Siguro kung wala kang nililigawan, kakausapin kita day. Siguro tama naman ginawa ko diba? Pero shuta nung pauwi na ko, parang nagsisi ako ng slight sa grab na sana kinausap na lang pala kita. Tas naisip ko ulit na ay hindi okay lang na hindi kita kinausap. Kasi wala naman nang sense diba? I mean hindi naman na ako umaasa na magkakabalikan pa tayo kasi alam ko namang hindi na. Pero parang ang hirap lang din ilugar na kung magkaibigan pa ba tayo? Kasi ewan ko ha. Siguro kung ako yung naunang may bago, kakamustahin kita. Ako ang mag iinitiate. Pero never naman ako nagkaroon ng bago. Hahahahaha. Although may mga nagparamdam na iba dati, wala eh. Nag hold ako dun sa sinabi ko sarili kong dapat ikaw muna magkaroon ng bago. So ayun. 

Kailangan ko lang ikwento to kasi basta. Kailangan kong ivent out. Di ko na rin naman alam kung mababasa mo pa to or hindi. Pero basta, ngayong alam kong confirmed na na may bago ka na, maging kayo man or hindi, basta, masaya na ako para sayo. Yun lang naman yung gusto ko. Na sana makahanap ka ng ibang magmamahal sayo. Nang magpapasaya sayo. Okay na ko don. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s