San ba pwede humugot ng saya?

“Sa sarili mo. Hindi pwedeng manggaling sa iba yan. Yan realizations ko sa lahat ng nangyare.”

Yan reply mo sakin. Hayup na yan. Iba rin. HAHAHAHA. Actually, matagal naman na kong hindi masaya, kahit nung tayo pa. I mean, hindi masaya sa life. Hindi sa hindi masaya sa’yo ah. Basta. Alam ko namang alam mo yun kasi nirarant ko sayo yan dati. Pero ewan ko, parang kasi ngayon, since nung nawala ka na nga sa buhay ko, parang lalo lang naging mas mahirap. Lamoyun. Yung wala akong mapagbalingan ng mga ganyan kong hanash sa buhay. Or baka kasi ikaw lang din naman yung gusto kong pagrantan. Hayst. Tangina talagang buhay ‘to.

Gusto kitang igrouphug ngayon na.

Eto na naman ako sa kakaiyak gabi gabi kasi nagsasawa nang maghanap ng dahilan para manatili pa sa punyetang mundo na ‘to. Haaaaaayst.

Kailan ba kasi ako kukunin ni Lord?

Advertisements

Inaamin ko noon na minahal nga kita…. pero ngayon…. Mahal pa rin kita….

Shuta! HAHAHAHAHA! Ang dami na namang nangyari after last post ko nung January. At ngayong March na. Huhu. Parang bumabalik na naman ako sa ideya ng ako at ikaw. Shuta. Alam mo yung tangina rin kasi ng mga kaibigan ko?? Okay! Ganito kasi yan.

Simula January hanggang katapusan ng February, lagi akong nakila Jacq at lagi kaming nag-iinom dahil nga may mga pinagdadaanan din sila. At damay damay na po ito ano po? So, every time na nalalasing ako, lagi kong kinekwento ang shutanginang emuji na yan. Haha. Ewan ko kung matatandaan mo yun. Pero basta yun yung tungkol sa niyaya mo magreview. Haha. Merong dalawang video na nakakatawa na yun yung kinekwento ko pero magkaibang inuman session. Shuta talaga. HAHA.

Tapos eto pa ah. The day before birthday ni Ivan, sumunod kasi sila Ju sa condo nila at may dala dalang Tequila. At eto naman si Ju, bilang pakielamera siyang tunay, binasa niya yung mga text ko sayo way way back 2017 shits. HAHAHA. Tapos lungkot na lungkot sila kasi nga hindi mo ako nirereplyan, which is understandable naman kasi hindi naman na tayo non. Wala na tayo non. Tapos ayon, puta. Pagkagising ko, pinicturean pala ni ivan yung convo tapos sinend sa groupchat namin ng ninja. Huhu. Badtrip ako non, shuta. Alam mo yung parang nareveal yung karupukan mo sa buhay. Although okay lang naman malaman nila yun kasi kaibigan ko naman sila. Pero kasi alam mo yung walang consent. Hahahaha. At yun, simula non, naging inside joke na samin yung ‘nagising ako ng 2am, tapos parang gusto kong umiyak.’ eme eme. Kasi yun yung text ko sayo dati. Tas hindi ka nagreply. HAHAHAHA. Alam mo yung hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kasi parang naaawa sila na natatawa saken. HAHAHA.

Ayan. Shuta. Pagkatapos niyan. Alam ko, minessage kita non eh. Kasi puta. Triggered na triggered talaga ako day. Kinginang yan! Sobrang bumalik lahat ng tangina oo nga no hindi niya ko nirereplyan, pero hindi ko naman pwedeng isumbat pa yun sayo kasi wala naman na tayo. Haha. So nalungkot na naman ako sa sarili ko. At ayun, kahapon lang, minessage kita sa ig na ay iba, may kadate. Tas ang reply mo, minsan lang naman eh. So ibig sabihin, meron nga no? SHUTA.

Kaya mamayang gabi, dahil may painom sa rehab. Magwawalwal ako ng bonggang bongga. Dahil feeling ko, hindi ko na naman to kayang ikwento sa iba. Kasi ang sakit sakit. Punyeta. HAHAHAHAHAHAAHHAA. Pero okay lang naman na makipagdate ka na. Wala naman na akong say don. Its just that. Tangina ko lang kasi talaga. PUTA.