Okay talaga ako. Promise.

HAHAHAHA. Hindi ko alam kung kailan nagstart. Pero nararamdaman kong okay na talaga ako ngayon, like wala nang kahit na anong eme kapag inaasar ka pa rin sakin. At hindi na kita masyadong iniistalk. HAHAHA. Slight na lang. Pero okay lang, gusto ko lang naman malaman na okay ka. HAHAHA.

Pero basta. Masaya yung feeling ko ngayon. Na naging bahagi ka ng buhay ko. Na naging masaya naman tayo. Na minahal kita. Although, minsan namimiss pa rin kita syempre. HAHA. Pero normal naman yun. Namimiss ko rin naman mga dati kong kaibigan. Haha.

Basta ngayon, wala nang kahit na anong pait. Wala nang masyadong sakit. Salamt sa mga kaibigan ko na lagi lang nandiyan. Huhu. At salamat sa mga alak na nakasama ko. Haha!

Advertisements