Maligayang Bagong Taon!

Actually, hindi na rin ako nagexpect na batiin mo ako ng Happy New Year, at hindi ko na rin inisip na imessage ka kasi baka hindi mo rin naman ako pansinin. Tapos ikaw tong nagmessage ngayon. Hmmm, teka. Magrereset na naman ako ng pagmomove on ko. Huhu.

Pero masaya ako ngayon at nagmessage ka. Miss na kita.

Advertisements

First time ko yata mag-inom mag-isa sa labas ng bahay. Hahaha. Well. Tangina kase. Wala yata akong true friend. Wala bang nakakaramdam na gusto ko nang kasama ngayon? Regardless of kung saan ko gusto tumambay? Parang ang sakit pala nun no. Hahaha. Yung ikaw na lang lagi nag-aadjust sa kung saan sila komportable. Sinubukan ko lang naman ngayon kung may sasama sakin. Pero wala eh. Puta. Sakit pala non. 

Gusto na tuloy kitang papuntahin dito, pero baka busy ka. Hinihiling ko na lang talaga na sana kunin na ko ni Lord. Ayoko nang makaramdam ng kahit na ano. Nakakapagod na rin mabuhay ng walang dahilan. Nakakapagod maghanap ng dahilan para mabuhay pa. Alam mo yon. Ewan ko. Nakakaputangina tong life na to. Bwiset. 

Miss kita. 

Ano na besh?

Bakit ganyan mga pinagpopost mo sa instagram mo. Huhu. Lalo akong naiinis kasi ewan, para akong naiinlove na naman sayo. Huhu. Although hindi ko parin naman talaga kayang tanggalin yung tanginang pagmamahal ko sayo beh.

Hindi ka na naman ulit matanggal sa pag-iisip ko. Gusto na ulit kita imessage. Actually gusto kong magtanong sayo tungkol sa kinginang sprain ko na naman, kasi lagpas 1month na siya tapos wala namang silbi tong si Mich. Hahahaha. Leche siya. Kaya lang baka maisip mo kasi na gumagawa lang ako ng dahilan para kausapin ka kasi ang dami ko namang friends na PT diba, tapos sayo pa ko kokonsulta, although yun na lang ang naiisip kong dahilan para makausap ka ulit.

Namimiss na naman kita uy. Sobrang lungkot ko na naman these past few days nang hindi ko na naman ang dahilan. Although lagi naman akong ganun kahit nung tayo pa. Hahaha. Wala lang. Namimiss ko lang din siguro yung may napagsasabihan ako ng wala lang. Tapos magkikita tayo, tapos magiging okay na ulit ako. TANGINA TALAGA.

Napapainom na lang talaga ako ng Smirnoff eh. Huhu.