Ikaw ba ang nagbago? O ako? O Tayo?

Umuwi ako ng 5am kanina sa bahay galing Tipanan dahil nagpabirthday si Alyssa kahit na galing siyang Bahrain. Pagkauwi ko, magkavideocall kami ni Alyssa and Lykks and nandun din si Mich. Tapos bwakanangshit. Merong biglang nag-pm besh. So ako naman, nawindang ako. Hindi ko kinaya. BESH NGAYON KA LANG NAGMESSAGE SAKIN NA IKAW ANG NAUNA. HUHUHUHU. Tapos…….

A: San ka

M: Kakauwi lang. Baket?

A: Gusto mo magkita
Lasing ako hahahaha

M: Haala bakey? Ako din lashrmg hahahaha

Oh diba. Sinong mas lasing satin? Haha. Actually kinikilig ako na natutuwa nung sinabi mo yan. Kaya lang hindi na ako makakaalis ng bahay kasi kakarating ko nga lang at beh, wala na kong lakas and I’m so like drunk. Tapos hindi ko pa masiyadong mainternalize na kaya ka lang ba nagmessage sakin kasi lasing ka? Actually, nagtataka ako. Baka mga kasama mo yang kumukuda niyan. So hindi ko alam beh.

A: Tara kita tayo
Gusto mo ba
San ba tayo pwede mag sleep over

M: Anong sleep over ? Aneren?

A: Kita tayo

M: Pucha hahaha seryoso ba yan?

A: Oo san ba? Kahit sa motel lang sleep over antok nako pero gusto kitang makasama

M: Normal ka ba?

A: Oo na ndi haha
Andami kong nainom

M: Normla ka pa.
Normla pa spelling mo

A: Ndi na pero tanggap mo ba ko kahit ganito nako

M: Anong ganyan? Na abnormal k? Hahahahahah

A: Ano na oo lang at ndi
Kesa iba sumama sakin

Beh, lalo akong nawindang sa mga pinagkukukuda mo. Anong sleepover? Okay lang yung sleepover eh, pwede ka naman pumunta dito kasi sila One at Carol nga nakikitulog dito, ikaw pa ba? Pero mas naloka ako sa motel na sinabi mo? WTF?! Anong pumasok sa isip mo bat mo ako niyayaya diyan. Beh, hindi ako makapaniwala. I mean, tangina. HAHAHAHAHA. Sa loob ng halos na pitong taon natin, never mo naman ako ginanyan. Alam ko mataas respeto mo sakin. Pero what the f talaga besh. Gusto kong umiyak nun, kaya lang kausap ko pa sila Lykks sa Video Call. Pero sige, baka nga dahil lasing ka lang. Nagjoke pa ako sayo besh. Pero ano na naman yang nireply mo na kesa iba sumama sayo? Tangina. ANONG IBIG SABIHIN NUN. Ayoko mag-assume. Pero wala naman akong ma-assume din. Haha. Ayoko pag-isipan ka ng masama dahil alam kong hindi ka ganun.

M: Pucha nasan ka ba?

A: Beech

M: Breeeerech? Ikaw ba yan? Proof please

<tapos nagsend ka ng picture selfie mo, so okay>

A: Kesa sa iba ako sumama San mo ba gusto magkita? Magsleep ovet

M: Why is that like that? Pucha dhhahahaahahha

A: Ano na Sogo sa pantranco? Or malayo?

M: WTF???????

A: Sleep over haha hotel talaga

M: Hindi ako naniniwala

A: So ndi?

M: Bakit? Bakit ngYon lNg?

A: Bakit ndi

Tapos nabanggit mo na yung Sogo. HAHAHAHA. Tangina. Anong iisipin ko? Anong dapat na isipin ko?! Anong pumasok sa isip mo bakit mo sinabi yan? ANO? Huhuhuhuh. Tinanong kita kung bakit, bakit ngayon ka lang gumaganyan sakin, ano? dahil lasing ka? Ganon? Hindi ko kinaya. Kingina.

M: Baket muna?

A: Kasi ngaun kita kailangan

M: Kailangan kase?

A: Lasing nako, kesa sa iba ako sumama sayo nalang

M: Panong sa iba? Kanino? Hinfi ako naniniwala

A: Gusto mo ba magkita?

M: Gusto. Pero hindi sa panahong lasing.

A: Hays haha sige Hays

M: Tangina huhuhuhu Wag ganyan please

A: Sige kung yan gusto mo

M: Wew Tangina bakit ngayobg lang tangina

A: Decide. Oo o ndi. Un lang

M: Gusti kita makita malamang. Pero hindi sa estado na lasing ako or lasing ikas

Beh. Gustong gusto kitang makita. Kung alam mo lang. Pero hindi naman pwede yung parehas tayong lasing beh. Tapos sasabihin mong kailangan moko kasi lasing ka? Haha. So ano? Pag hindi ka na lasing, hindi mo na ako kailangan? Hahahaha. Kingina besh. Hindi ko kinakaya yung conversation na ‘to. Beh. Ano ba.

M: Anong dali na? Anong sogo pinagkukuda mo?

A: Gusto ko ngang mag sleep over Gusto kitang makita Ano na?

M: WOW afyer all these months ngayin mo lang ako gusto makita?

A: So hindi?

M: Anong hindu? Hindi?

A: Gusto mo bang matulog tayong 2 ngaun magkasama?

<TANGINA? ANO TO? AHAHAHAHA>

M: Bakit ganyan ka ngayon kumuda?

A: Sige if ayaw mo ok lang

M: Hindi kasi maganda yung mga kuda mo ngayon Seryoso Parang hindi ikaw

A: Okay sige wag na

M: Grabe siya

A: ☺️

M: Hindi ko alam kung anon ganap sayo Pero parang hindi iiaw Ikaw

A: Sige

M: Sa dinami dami ng lugar, sogo talaga? Pwwde ka bang tawagan? Like rinig boses mo ganern Nyare na besh?

Tapos pagkatapos niyan, nagbreakdown na ko. Hahahaha. Tinatawagan kita. Cannot be reached yung phone mo. Hindi ko alam kung yun pa rin number mo eh. Feeling ko nagpalit ka na. Hahaha. Kahit sa messenger call hindi ka rin sumasagot. Beh, nalilito pa rin ako. Bakit? Bakit ganyan mga kuda mo ngayon? Ano ba? Dahil ba sakin yan? Tangina. Humahagulgol na naman ako. Hindi ko alam. Nagprapray na lang ako na sana okay ka. Na sana walang mangyari sayong kahit na ano. Kasi, nag-aalala ako. Habang tinatype ko to, ang sakit sa dibdib. Ano ba? Parang never ko maimagine na magiging ganyan yung mga pinagkukukuda mo beh. Hayst. Nakakawindang.

A: Nah hotel lang naman gusto ko para dun matulog haha anyway sorry lasing din. Nevermind, kauwi ko lang.

M: Dito ka na lang sana pumunta sa bahay
Sorry. Di ko kasi magets to.

Lasing nako, kesa sa iba ako sumama sayo nalang

A: Nah may nagyayaya kasing lumabas di naman nako sumama, umuwi nako, lasing lang din talaga sorry, Nvm sleep nako

M: Sorry. Goodnight. Hindi ka na kasi sumagot sa tawag. Hayst. Sige.n

A: Matanda naman na tayo haha sana di naman awkward un hotel, sige

M: Nakauwi na kasi ako nung kumuda ka. Pero sasabihin ko rin naman sana kung sumagot ka lang na dito ka na lang sa bahay pumunta. Pwede naman.

A: Syempre mas ok naman na private na tayo lang, pero aun anyway nvm nothing happened goodnight

M: Sorry.

Natawa ako sa matanda na tayo awkward hotel. Hahahaha. Sorry ah. Pero hindi ako ganun. Hahahaha. Kahit kaninong kakilala kong lalake, hindi ako sasama sa hotel or kahit na ano unless dun siya nakatira. Hahaha. Tangina, may bahay naman kami ah? Saka anong klaseng private na tayo lang pinagkukuda mo na naman? Hindi kita talaga magets.

Tangina. Iyak lang ako ng iyak hanggang tulog na pala ako. Tapos maaga ako nagising, tapos umiyak na naman ako, kasi hindi ko alam kung baket. Or baka dahil nagooverthink lang ako. Pero kasi tangina, mahal pa rin kita eh. Hindi ko alam kung pinagtritripan mo lang ako o kung talagang totoong kailangan mo ako. Pero nakakatuwa din malaman, pero sana sinabi mo yan nang hindi ka lasing. Haha.

Wew. Hindi ko na alam. Akala ko okay na ko eh. Akala ko hindi na ako maaapektuhan. Pero tangina. Parang kakabreak na naman ulit natin kanina. Parang nagulo na naman tong tanginang buhay ko. Puta. Iniisip ko na naman na sana kunin na ako ni Lord kanina habang umiiyak. Hindi ko na alam besh.

Sobrang sobrang rupok ko na naman.

 

Advertisements

Pinost ni shiela yung picture na sinusubuan ko ng nachos si direk pao sa messenger ng zebu. Actyally hinihintay kitang magreact or magmessage sakin tungkol dun since naseen mo naman na. Hahaha  pero asa pa ko diba? 

Wala ka na nga yata talagang pake sakin. Hinihintay ko na lang talagang maaksidente ako o mamatay na ko or maospital para kausapin mo ulit ako. Huhu. Heto na naman ako sa pagbabasa ng mga posts ko dati sa tumblr tungkol satin. Huhu. Miss na kita, ugok ka. 

Wala eh. Ikaw pa rin eh. 

So ilang months na ba beh? Haha. May taon na rin pala no? Pero guess what? Ikaw pa rin beh. Huhu. 

May mga nagpaparamdam sakin na iba. Mga multo. Charot. Pero walang spark eh. Hahaha. Ikaw pa rin talaga eh. Huhuhuhu. Yung tipong kapag kasama ko yung mga yon with friends at nang-aasar sila, alam mo yung hinihiling ko na sana ikaw na lang yung inaasar nila sakin? Alam mo yun? Ang hirap beh. 

So paano tayo makakalaya sa putanginang mundo ng kalungkutan? Huhuhu

Kung may babalikan man ako mula sa alaala nating dalawa, doon ako sa panahon na pareho tayong masaya. Doon sa panahon na hindi pa natin alam ang agwat natin sa isa’t-isa. -Sakaling Hindi Makarating

Hindi ko alam na may ganito tayong picture nung highschool eh. Haha. Nakita ko na lang to sa wallet mo nung naging tayo na. Wala lang. Kinilig ako ng slight non. Haha. Ikaw yung mahilig sa mga ganito eh, yung mga nagtatago ng mga kung anumang bagay na may ikaw at ako. Nasayo pa kaya to? Nasa wallet mo pa kaya? Malamang hindi na no? 

Pero totoo nga yung quote. Kung may babalikan ako, eh yung panahon na masaya lang. Yung wala pang “distansiya” sating dalawa. Yung masaya tayo. Yung hindi muna iniisip ang hinaharap kundi sinasakyan ang daloy ng kasalukuyan. Tangina. Hayst. 

Namimiss na naman kita. Araw araw naman eh. Araw araw pa rin akong dumadalaw sa profile mo, kasi dun na lang naman ako nakakasagap ng balita sayo eh. Hindi mo naman na ko nirereplyan sa kung saanman. Haha. Okay lang naman. Kasalanan ko naman eh. Pero mahal pa rin kita. Pucha. 

Alam mo yung tuwing umuuwi ako, habang nasa bus, hindi makatulog kasi naiisip kita. Kamusta ka na ba? Masaya ka na ba? Mukha namang okay ka na. Thats good. Nakakatuwa lang din na mas minamahal mo na yung sarili mo ngayon kaysa nung tayo pa. Yun naman din sinasabi ko sayo dati diba? Na hindi naman pwedeng ako lagi inuuna mo. Alam mo naman yun. Haha. 

Di ko alam pero hinihiling ko talaga na mabasa mo yung letterlater eme ko sayo at mapadpad ka dito. Hahaha. Actually, gusto ko na nga lang isend sayo tong blog na to eh. Para kahit di ka magreact alam kong mababasa mo. Or babasahin mo nga ba? Hahahahaha. Ewan. 

Ang sarap lang balikan ng mga alaala. Haha. Pero malungkot din pala. Parang nakakapang hinayang. Tangina kasi eh. Tangina talaga. 

Miss na miss na kita. 

At Mahal pa rin kita.