seenzoned!

Hahahahahahaha! And pak! Seenzoned na naman ako ni Koya. Hahahahaha! Pero sino ba naman ako para kumuda pa diba? Haha. Tangina kasi eh. Gusto ko nang isumbat yung sinabi mo sakin. Na nandiyan ka pa rin pag kailangan kita? Ulul! Wew. 

Sorry. Alam ko wala akong karapatan. Pero naiinis ako kasi mas mahal kita kaysa sa mahal mo ako. Tangina ka. 

Advertisements

So minessage na naman kita. Sorry kase mag-isa lang ako kagabe sa kwarto. At sinabi ko sayo na nakakamiss na ang may kakwentuhan sa life. Tapos biglang nagflashback lahat ng memories. Lahat ng ganap sa buhay ko na kasama ka. At nagbackread ako sa friendship natin sa Facebook. Haha! Tapos narealize ko, bat parang ako lang yata yung nagshashare sayo ng mundo ko? Haha. I mean, like sa movies. Indie movies. Blablabla. Pero sabi mo naman kasi, gusto mo din naman ng nga ganun. Hahaha. Wala lang. Iniisip ko lang kagabe kung pano ba yung mundo mo? Parang wala lang kasing picture na nasa mundo mo ako. Hahaha. Labo. 

Anyway, sobrang namimiss lang kita kagabi. Hanggang sa makatulog na lang ako after umiyak. Nyaks. Tapos ayun, napanaginipan kita. At ang saya saya ng panaginip ko. Huhu. May scene pa dun na magkatabi lang tayo sa kama, tulog lang. Tangina. Hanggang panaginip na lang yata besh. Hahahahhaa. 

Gusto kitang kausapin ngayon. Wala akong ibang mapagsabihan ng kung anu.ang lecheng nararamdaman ko. Pero tuwing bubuksan ko yung chat natin, nandun yung last message. 

M: Mith you.

A: Choice mo to diba?

M: Sorry. 

Parang after nung sinabi mo yang choice ko to. Tangina. Ang sakit pa rin pala no. Gusto kong idefend yung sarili ko na. Pucha. Hindi ko naman gusto ko yung choice ko, I mean. Wala naman kasi akong ibang choice. Hindi ko naman kasi talaga kayang magconvert. At bakit parang ako talaga yung may kasalanan no? Sana marealize mo din na pakshet ka. 

Anyway. Hindi lang naman ikaw ang problema ko ngayon. Gusto ko lang sabihin na, sana pwede pa kitang kausapin. Kasi alam kong ikaw lang yung makikinig sa mga ganito kong rants. Sa mga rants na wala namang sense. Na tanginang napapagod na kong mabuhay. Na wala na kong ibang mahanap na rason para lumaban sa buhay. Nakakapagod lang yung cycle of life. Ayoko na. Kung kaya ko lang tapusin tong lecheng paghinga ko, ginawa ko na. Pero hanggang imagination lang talaga lahat yon. Hindi ko lang talaga kaya. Hayst. 

Kailangan sana kita ngayon.