Panaginip na naman

Nasa coffee shop, nakatambay with highschool friends. Tapos nandun ka pala. Pero nakita na kita. Sabay biglang sumigaw yung kasama ko. Tinawag pangalan mo. Well, kaibigan ka rin naman kasi nila. Tapos lahat sila binati mo, except sa akin. Nasaktan ako. Hahahaha. Hindi na ba tayo magkaibigan?

Tapos nag-aasaran na. Pero sumasakay lang ako. At still, hindi mo pa rin ako pinapansin, hindi ko masyadong maalala kung anong exact scene. Pero basta ganun. Hanggang sa dumating na susunod na eksena. Nageexplainan yata tayo sa isa’t-isa eme eme. Masyado nang blurry ang mga eksena. Pero basta iyak ako ng iyak. 

Change scene. 

Nasa parang classroom yata tayo, nagkatinginan tayo. Tapos nimouth eme mo ang i love you. Tapos nag i love you too ako. Nagising na ko. 

Naguluhan ako. Ano ba talaga? Alam kong mahal pa kita. Hindi ko alam kung mahal mo pa ako. Pero hindi ko naman na kailangan malaman. At hindi pa rin ako makagetover. At hindi ko pa rin matanggap na ganito. Na bakit ba kasi, tanginang religion yan. 

Nakakapang-init ng ulo. Nakatatak lang sakin yung panaginip. Huhu. Ayoko na. Ayoko na ng ganito. 

Pero gusto ko nanlang matulog forever, para kahit papaano magkasama tayo. 

Advertisements

Kamusta na?

Andiyan ka pa ba? 

Gustong gusto na naman kitang imessage at kausapin at kamustahin. Haaaaayst. Naiisip ko pa rin ba ako? Kasi walang araw na hindi ka pa rin nawawala sa isip ko. Punyeta ka. Hahahaha. 

Kailan mo kaya ako kakamustahin? Parang gusto ko na agad magbirthday ako para may reason na na kamustahin at kausapin mo ulit ako. Wew. 

Bakit ba kaai hindi ko mabitawan yung huli mong message na lagi ka lang nandiyan para saken? leche. Pagkatapos ng isang taon, wala pa ring nagbabago. Mahal pa rin kita. 

Lagi kong iniisip kung paano ba ako makakatakas sa kalungkutan. O kung paano ko ba to lalagpasan. Gusto kong itanong sayo kung paano mo nakakayanan, dahil mukhang hindi ka naman na nahihirapan. Hayst. 

Hinihiling ko na nga na magkajowa ka na para mawalan na talaga ako ng urge na imessage ka. Wew. Ang hirap hirap hirap. 

Gusto ko na lang talaga matulog forever. Yun na lang talaga ang paraan para hindi ka maisip. Matulog na lang, forever.