Feelings

Nitong sunday, habang nanunuod ng How To Be Yours, biglang sinabi saakin na nasa quezon ka raw, based sa Facebook post mo. So… pinuntahan ko ang profile mo at nakita ko ang post mo.

“Lamig dito bes… parang feelings niya. :(”

Yan ang caption. Haha! Natawa ako. Kaya nagstatus ako nang, “Di naman malamig eh. Haha.” pero watching How To Be Yours ang nakalagay sa status. HAHAHA

Ang shunga pa ni Mich, hindi niya nagets yung niistatus ko. Hahaha! So pinalipas ko na. Tapos after ilang oras, binalikan ko yung status mo, nagcomment si Denis ng screenshot ng pagkakakita niya sa feed niya. Magkasunod yung post natin bes. HAHA!

Natatawa ako na ewan. Pero totoo naman yon. Hindi naman talaga lumamig ang feelings ko sayo. Never naman yata magiging malamig. Naks! Haha.

Pero wala lang, akala ko lang kasi magrereact ka. At magkakaroon ka na ng dahilan para kausapin ako. Kwentuhan lang saglit sana. Haha. Pero wala eh. Hindi ko alam kung gets mong sinasadya ko yung status na yun. Pero mukhang hindi mo naman gets. Oh well. Okay lang, hindi rin naman talaga kita masisisi. Haha. Ganern talaga.

Parang ang hirap hirap pa rin talagang isink-in lahat. Never na nagkaroon ng araw na hindi ka sumasagi sa isip ko. Kamusta ka na kaya? Medyo payat ka na nga eh. Although, okay lang din naman, pero parang mas bet ko yung pagkataba mo. HAHAHAHA.

Maikling post lang naman talaga dapat ‘to eh. Kaya lang, namimiss na naman kita. Wew.