Suko na yata?

Nandito na yata ako sa puntong gusto ko nang sumuko. Hindi ko na yata kayang panindigan ‘tong desisyon na ‘to. Alam mo yung feeling na hindi ka na nakakaramdam ng saya?

Ilang araw o linggo na pala akong hindi nagpopost dito no? Haha. Pero marami talaga akong gustong ipost, kaya lang pag nagsisimula na ako, nawawala na yung mga salitang gusto kong itype dito. Anyway, hindi ko alam kung ano pang pwedeng gawin para kalimutan ka. Pero kasi, hindi ko pwedeng kalimutan ka. Ayokong kalimutan ka.

Hindi ko rin alam kung bakit parang feeling ko hindi ako yung ako ngayon. Ewan ko lang ah. Paano kung yung dating ako eh dahil sayo? I mean, yung dating ako is naging ganun dahil sayo? Gets ba? Haha. Mas gusto ko kasi yung dating ako. Yung chill lang. Hindi masiyadong galit sa mundo. Sa mga tao. Sa lahat.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang hindi na tayo magkakilala? Or baka ganun talaga dapat after maghiwalay? Gago. Mga naggagaguhan lang yung naglilimutan.

Kilala kita eh. Hindi ka ganito. Yung walang pakielam? Hindi ka ganun. O baka nga kasi iniwan na kita kaya ganyan ka? Nawalan ng pakielam.

Hindi naman kita gustong mawala sa buhay ko. Hindi ko naman hiniling na magkalimutan tayo. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Leche. Namimiss lang siguro kita. Namimiss mo rin kaya ako?

Pagiging magjowa lang naman ang tinapos ko satin. Magkaibigan pa rin naman tayo, para sakin. Ewan ko lang sayo. Kasi lahat yata tinapos mo na. Kulang na lang talaga iunfriend mo ko sa FB. Haha. Ewan. Baka ganyan ka lang talaga. Pinagprapray ko pa rin na sana hindi mo ako kalimutan. Kahit magkaibigan na lang, sapat na sakin yun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s