Kailan ba matatapos to?

Hindi ko pa rin maintindihan kung tama o mali yung ginawa ko. Pinaparamdam sakin na mali. Pero feeling ko naman tama. Bakit ganun?

Ang hirap pala nun, gawin ang tama kahit hindi masaya. Tangina.

Advertisements

Mcdo

Sa Mcdo ako bumili ng breakfast kanina, tapos habang naghihintay sa counter, nakita kong kumukuda ang beki na Manager. May sinasabi siya sa cashier na pinipilahan ko. Bigla ko na lang nakit yung name tag niya, pangalan mo nakalagay.

Napangiti ako.

Ay, oo nga pala, wala na nga pala tayo. Buset. Parang gusto ko nang umalis nun kahit wala nang order, kaya lang gutom na kasi ako eh. Hahaha.

At gumawa na naman ng paraan ang tadhana para maalala kita. Hayst.

Sinehan

Nanuod ako ng Indie Film kanina. Ag habang pinapalabas ang mga trailer, naalala kita. Tingin ako ng tingin sa tabi ko kahit wala naman. Tapos tangina, after ilang seconds, naiiyak na ko. Hahahahahha. Punyeta.

Actually, kinakabahan talaga akong manuod mag-isa, kasi alam kong maaalala kita. Ang dami na kaya nating napanuod na magkasama, mapa-indie o mainstream. Pero iba pala kapag mag-isa. Tangina.

Naalala kita. At hindi naman yata maiiwasan yon. Masakit nga lang kasi kailangan kong harapin. Kailangan ko nang matutong mag-isa. Manuod mag-isa. Mabilib sa pelikula nang mag-isa. Kamurahan ko sarili ko. Hahahahaha.

Iba yung pakiramdam nang wala kang katabi sa sinehan. Iba. Puta.

Panaginip

Napanaginipan na naman kita kagabi, feat. Facebook. Haha!

May bagong upload kasi na Album dahil nga nagpunta kami ng Dabaw, tapos nagcomment ka sa Album ng hindi ko na maalala kung anong comment mo kasi blurred. Tapos sa comment mo, nagcomment din ang mga friends mo.

Iniisip ng dreamself(yung sarili ko sa panaginip ko, haha!) ko na parang nakakaoffend ang comment mo. Iniisip niya kung rereplyan ba niya ang comment mo nang, “Nakakaoffend.”

Pero hindi nicomment ng dreamself ko kasi kinakabahan siya. Natatakot siya na baka lalong mapalayo ka sakanya kung papatulan niya pa ang comment mo.

Biglang tumunog na ang alarm clock.

Hmmm

Binabasa ko pa rin ang last text mo sakin nung after nating magkita dalawa. Grabe. Okay pa yung usapan natin nun. Pero nitong mga nakaraang araw, ang pangit na. Oh baka kasi ngayon lang talaga nagsisink in lahat?

Actually, nagsink in na nga. Nalulunod na ko sa kalungkutan. Hindi ko na alam kung paano ulit maging masaya. Yung legit na masaya. Yung matutulog kang masaya. Hayst.

Nakakamiss pa rin. Kanina, napanaginipan kita. Ang eksena is ganito pa rin, after breakup shit, pero magkasama tayo tapos masaya naman. Parang tayo pa rin. Grabe. Tapos nagising yung diwa ko, nalaman niya yatang kailangan kong magising sa katotohanan, na tapos na nga. Na wala na.

Pagkagising ko, binanggit ko pangalan mo, sabay iyak.

Hindi na ko nakatulog ulit.
Gumising na lang ako.