Be Strong!

Gusto na naman kita kausapin. Kamustahin. Ano na bang balita sayo? Hindi na nga lang din ako magpopost sa facebook, para macurious ka naman kung anong balita saken.

Bakit kasi ang active ko sa facebook? Tsk.

Titigilan ko na pagpopost sa social media.
Magpapamiss muna ko. Eme.

Namimiss mo pa rin kaya ako?

Advertisements

Akala ko ba, huli na? HAHA!

Sabi ko sa huli kong post, hindi na ako magpopost dito. Pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari(walang kinalaman satin), naisip na naman kita.

May kaibigan kaming nawala na. As in kapiling na ni Lord. Hindi nga lang maganda ang pagkawala niya dahil may posibilidad na pinatay siya ng hindi pa namin alam kung sino, pero sana mahuli siya.

Nung nabalitaan ko yun, naisip kita. Gusto kong imessage ka at tanungin kung nabalitaan mo ang balita. Hindi ko alam kung maaalala mo siya or kung kilala mo pa, kinekwento ko naman siya sayo dati, since napalapit din siya kahit papano samin, kaya gusto sana kita imessage kagabi na mag-ingat ka palagi. Lalo na kapag Night Shift ang duty mo. Gusto ko sanang kumbinsihin ang sarili ko na, “Kaibigan ko naman siya, kaya okay lang siguro kung sabihin kong mag-ingat siya lalo na ngayon.” pero hindi ko na lang ginawa, hindi ko alam. Haha.

Sa Makati kasi naganap ang hindi magandang pangyayari. At actually, umaasa ako na ikaw ang unang mag message sakin at sabihin na mag-ingat ako since sa Makati ako nagtratrabaho. Pero baka nga hindi mo pa nababalitaan. Or kung mabalitaan mo man, pinagprapray mo na lang siguro na sana lagi akong nasa ligtas na lugar. Pero ewan ko. Ang hirap mo nang basahin ngayon. Hindi na kita mabasa. Nakakatakot naman yon, baka hindi na kita makilala.

Baka mawala na yung ikaw. Baka wala na yung minahal ko dati na ikaw. Tangina, sorry.

Pagod na.

Nitong mga nakaraan, medyo nag-uusap pa kami. Haha. Actually hindi ko talaga alam kung okay lang yon, since nirereplyan niya naman ako. Tapos sa kalagitnaan ng pagtambay at pagmumuni-muni ko. Tinanong ko siya.

“Nakakatulong ba na nagpaparamdam pa rin ako? Or hindi?” Tanong ko.

“Natutulong saan?” sagot niya.

“Sa sitwasyon? Sa pagmomove-on?”. Tanong ko ulit.

“Bakit mo ako tutulungan?” Sagot niya sa tanong ko.

Uhm, hindi ko na alam kung anong isasagot dito. Haha.

Sabi ko na lang.. “May nagsabi kasi saking na dapat daw hindi na tayo nag-uusap. Na dapat hindi na kita kinakausap. Kasi baka raw magkaasahan ulit, and magkasakitan and shit.”

Guess what kung anong reply niya? “Ewan ko.”

HAHAHAHA! Pero yung sumunod niyang reply yung tangina eh.

“Basta malinaw lang sakin na mas higit ang will mo to let go than to hold on.” Sabi niya.

Ay nag-eenglish na si Koya. Haha! Pero nung nabasa ko yan. Uhm, gusto kong sapakin yung nasa harapan ko. As in. Tangina eh no. Pero may point naman siya. Kasi nga bumitaw ako. Bumitaw ako kasi wala namang patutunguhan. Kasi hindi ko naman kaya tanggapin ang paniniwala niya. Kasi hindi niya rin naman kaya tanggapin ang pinapaniwalaan ko. So, mas okay ngang bumitaw na lang diba? Kasi ano pa bang silbi ng paghold-on kung wala naman din palang kasiguraduhan kung may pupuntahan ang giyera o wala?

Pero hindi pa rin tapos ang usapan. Haha.

Ni-confirm ko kung yun talaga ang tingin niya. Na mas higit yung pag bitaw kaysa sa pagkapit. Sabi niya, oo raw. So, okay. Hindi na ko mageexplain, kung yun talaga ang pagkakainterpret niya.

“Sige. Last na ‘to, pasensiya na.” Sabi ko.

“Pagod na ako.” Reply niya.

Sabi ko, “Sorry.”

“Walang magagawa yang sorry mo. Kung pwede lang akong mag-open sayo. Ang sama sama ng loob ko.” Sabi niya.

Okay. Tangina. Eh di walang magagawa ang sorry. Haha! At sino bang nagsabi sayo na hindi pwedeng mag-open sakin? Na hindi pwedeng mag-usap tayo kung may mga shit ka sakin? Pinapakwento ko siya, pinapa-isa-isa ko kung ano yang MGA sama ng loob niya sakin.

“Hindi mo lang din talaga ako ganun kamahal. Yun lang din siguro yun.” Sabi niya.

So yan na raw lahat ng sama ng loob niya. Wala na raw kasi siyang maisip since pagod na nga siya. So, okay. FINE. Saka na lang daw niya sasabihin kung maisip niya pa. Haha. OKAY PO.

Hindi na ako nakipag-argumento pa. Kasi nga, wala na rin naman talagang sense. Haha. Tangina kasi, message pa ko ng message.

Pero nag-message pa ulit ako. Haha. Kumbaga sa pelikula, credits part na.

“Pasensiya na sa lahat lahat. Alam ko hindi sapat yun para mabawi lahat ng mga ginawa ko sayo. Sa lahat ng pagkukulang ko, sa mga hindi nagawa, sa mga hindi nasabing maganda, sa lagi kong pagbitaw. Sorry.

Hindi na kita guguluhin pa, gaya nga nang sabi mo, pagod ka na. Kaya sorry kung hindi mo pa rin napapahinga yang puso mo sa pakikipag-usap ko pa rin at paghingi ng sorry sayo. Pero sorry talaga. Kahit na walang magagawa yung sorry ko, sorry pa rin. Hihintayin ko na lang dumating yung araw na maging okay na, sana.

Last na ‘to. Hindi na kita guguluhin, promise. Mag-iingat ka palagi. Minamahal kita, palagi. ” Sabi ko.

At hindi na siya nagreply. At hindi na rin ako mag-aabang pa ng reply. Tama na yun. Tama na rin ‘tong blog na ‘to. Haha! Huling post ko na siguro ‘to. Move on move on na rin pag may time.

PADAYON!

 

Paano bang hindi na makaramdam?

May kasunod pa pala ang usapan namin nung nakaraan. Haha. Hindi ko mapigilan. 😦

Habang kachat ko siya, nagbabasa ako ng book, Landline ni Jojo Moyes. Tapos tangina ng quote na ‘to. Hindi ko alam kung anong trip ng tadhana.

Tonight, I just wanted to pretend that all that other stuff wasn’t there. Tonight, I just wanted to be in love with you.

Leche diba? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero natuwa naman ako, slight. Haha. Tapos shinare ko sakanya. Kasi parang tangina oo nga, nung nabasa ko yun, gusto ko nga lang kalimutan lahat at mainlove sayo.

After kong isend yung quote, bigla na siyang nagdrama. Hahahahaha.

“Minsan pagod nako sa lahat, parang shet sobrang dami na diko na kaya.”

Tinanong ko, “Lahat?”

“Ewan. Basta ramdam mo na mapapashet ka na lang.” sabi niya.

Minsan, magulo din yan kausap eh. Haha. Puro ewan sagot. Hindi ko talaga siya nagets. Hahahahaha.

Sabi ko na lang, “Makakaya naman yan, dahan dahan lang, sabi ni Kumareng Maja.”

“Si Majang nasaktan ni Popoy. Wag na tayong masiyadong mag-isip, matulog na tayo.” reply niya.

Parang nawala na ko sa mood. Haha! Favorite ko kasi si Maja, at inaasar siyang Popoy. Wala lang. Isipin mo na lang kung dapat bigyan ng connection or hindi. Haha.

Nagpatuloy pa rin ang usapan, parang dati pa rin naman. Normalan lang pero ramdam ko pa rin na may barricade na. May harang na. Binakuran na niya. Naiintindihan ko naman, kailangan kong intindihin.

Tangina lang talaga yung feeling na minsan, hindi ko talaga mapigilan na hindi siya imessage. At oo, ako na lagi nagsstart ng conversation. Which means… ewan ko. May something sa kanya. Haha. Feeling ko nga may ineeme na siya. Okay lang naman. Haha. Mas okay nga yun. Para matapos na tong kagagahan ko. HAHAHAHA!

Hmm, actually hindi ko talaga alam kung tama ba or mali na kinakausap ko pa siya. Parang para sakin naman kasi, okay lang kasi friends pa rin naman kami, I mean basta. Titigil na lang ako pag may bago na siya. Pero pipilitin ko pa rin talagang hindi na siya kausapin.

Pero sana huwag dumating sa puntong hindi na niya kakausapin forever. I mean sana huwag dumating sa puntong hindi na niya ko kilala. At ituturing na lang niya akong isang stranger. Tangina, wag sana ganon.

 

 

 

 

 

Me Before You

At dahil palabas na nga ang Me Before You na film, nanuod ako kahapon. Actually parang ayoko talaga manuod, I mean sa Mall na yun, kasi nararamdaman ko talagang hindi magiging mabuti ang pakiramdam. Pero dahil gusto ng mga kasama ko dun, okay. Wala naman ako magagawa. Minsan talaga kailangan na lang harapin yung lugar na yun. Haha!

Dun nga pala kami madalas sa Mall na yun nanunuod ng movies. Maraming movies. As in halos lahat ng movie na napanuod ko sa sinehan, siya yung kasama ko. Ang dami ko na ngang movie tickets. HAHAHA. Kaya hindi ko talaga mapigilan na hindi siya maalala nung nagpunta kami dun.

Tangina nga eh. Akala ko hindi totoo yung mga nangyayari sa mga movie na pag bumalik ka sa lugar na lagi niyong pinupuntahan eh wala lang sakin. Pucha yan, mali pala. Iba yung feeling. Alam mo yung bumabalik lahat ng moment sa lugar na yun. Kung saan ka naghihintay pag late siya. Kung saan ka niya hinihintay pag late ka. Tangina, totoo din pala yung ibang eksena sa pelikula. Pakshit!

Hindi ko maexplain yung feeling eh. Pero parang ang bigat. Tapos nagflaflashback lahat tapos nakakamiss. Kaya hindi ko talaga napigilan imessage siya. Huhu.

Sabi ko, “Nandito ako ngayon sa Mall, namimiss ko lahat. Shet, hindi ko alam kung bakit ko sinasabi. Ignore mo na lang.” Tapos nagreply siya in a while, sabi niya, “Okay lang. Naiintindihan ko.”

Naiinis ako. AHAHAHAHA. Naiinis na hindi maintindihan kung anong dapat maramdaman. Nagkakwentuhan lang saglit, well, hindi naman kwentuhan talaga. Small talk lang. Haha. Sinabi niya yung cover ng 3D ng Burnout, which is napanuod ko na dati pa. Haha. Grabe daw yung feels sabi niya.

Siya: Galing lang. Ramdam yung kanta.
Ako: May puso eh.
Siya: Oo. Nakakalungkot.
Ako: Yung cover ng kanta?
Siya: Yep. Lahat malungkot.
Ako: Yes. Lahat.
Siya: Compatible. LOL
Ako: Hahahaha

Ganyan din siya nung kami pa. Hahahahaah! Laging sinasabing compatible. Hayst.

Alam mo yung gusto mo pang makipag-usap, pero pinipigilan mo talaga kasi okay na yung usapan na ganon at baka pag pinahaba pa, baka kung ano na naman yung masasabi sa isa’t-isa. Pero nakakamiss na rin yung may kaaway. HAHAHAHAHA.

Pakshit talagang force na beyond my control na yan.

 

 

Sinehan

Tanginang tadhana yan. HAHAHAHAHA!

Nitong mga nakaraang araw, iniisip ko talaga kung manunuod ako ng film sa sine. Since, may mga bagong palabas na ngayon, at gusto ko talagang manuod. Dati kasi, parang lagi akong nanunuod sa isang buwan. Dati kasi lagi akong may kasama. Dati.

Tapos kagabi habang nasa biyahe ako, biglang pumasok na naman sa isip ko pano kaya kung manuod ako sa Trinoma. Tapos makita ko siyang may mga kasama. Tapos ako mag-isa. Tangina nun diba. Naglalaro sa isip ko yung eksena na yun, pero hindi ko naman dinadamdam. Haha.

At pagtingin ko lang sa facebook niya kanina, nandun pala siya kagabi. Nanuod nga ng movie at may mga kasama. HAHAHAHAHA! Natatawa ako na ewan.

Meron sakin na gusto kong mangyari yung eksena na yun, meron ding, wag na lang. Hahahaha. Pero malay natin. HAHAHAHAHA! Tangina.

Okay na

Yata?

HAHAHA!

Pagkatapos kong matanggap ang “regalo” mong pagpapatawad sakin nung birthday ko, feeling ko, umokay ako. Okay yun diba?

Kahit na hindi ko marealize kung anong kapata-patawad sa ginawang kong pag-iwan sayo. Kahit na ilang beses ko kasing ulit ulitin sayo na wala rin namang mangyayari, at mas mabuting itigil na natin ang kahibangan natin sa isa’t-isa, parang hindi mo pa rin maiintindihan.

Pero ngayon, feeling ko, okay na ko. Napipigilan ko na ang sarili kong balik-balikan ang facebook mo sa isang araw. Haha! Nakakaisang bisita na lang ako sa isang araw, achievement kaya yun!

Parang ngayon, medyo natatanggap ko na siguro. Or baka kasi dahil parang nararamdaman ko na tama naman ang ginawa ko. Although wala namang nagsasabing mali yun. Wala ngang nagsasabi kasi pinaparamdam lang nila.

Nung isang araw kasi, nawrong sent ako sa isang group sa messenger, leche. Yung usapan namin na iiwan eme, nasend ko sa maling group. So yung iba nagreply na, magconvert ka na lang kasi, blablablablabla.

Hindi niyo kasi maintindihan! Hahaha! Okay lang naman sakin. Pero parang pag sinasabihan kasi akong magconvert, parang feeling ko kasi, may mali sakin kaya dapat akong magconvert, which is hindi ko magets.

Baka nga kailangan pa ng maraming panahon para maintindihan ko ang ilan sa mga bagay na hindi ko maintindihan ngayon. Minsan gusto ko na lang makipag-usap sa mga hindi ko kilala at all. Strangers. Pero tuwing naiisip ko naman yun, mas pinipili ko na lang mag-isa. Hahahaha.

Pero natutuwa ako ngayon, kasi feeling ko nagiging okay na ako. Although, hindi pa rin nawawala yung pagkamainitin ko ng ulo which is nakakairita na. Hahaha.

Siguro kasi medyo natatanggap ko na ngayon? Ayus naman yun no? Pwede ko na sigurong sabihin na, I’m getting there. Naks!

I’m getting there.

Papunta na ko doon!