End of May

Wow.

Tapos na itong buwan ng Mayo.
Dalawan buwan na rin pala tayong tapos.
Bakit parang ang tagal tagal tagal na?

Pero sa loob ng dalawang buwan na ‘yon, nakakatawang ako na lang yung nagmemessage sayo. I mean, sa loob ng dalawang buwan na ‘yon, ako ang nagsisimula ng conversation. Nakakapanibago.

Ganito pala yun no? HAHA. Tangina.

Nagtataka lang ako, bakit dati hindi naman ganito?
Tuwing may samaan ng loob, never mo akong natiis.
Wala akong maalalang nakaya mo kong tiisin.

Darating ka rin pala sa puntong ganito.

Baka nga paraan mo lang yon para kalimutan ako.
Pero wala kasi akong maalalang ganung usapan nung huli tayong magkita. Well, sinasabi mong friends pa rin tayo. Pero hindi yun yung nararamdaman ko. I mean, hindi ko naman sinasabi na friends as in super friends pa rin. Ah Basta. Pota.

Ayoko mang sumabay sa agos ng mga taong hindi na magkakilala pagkatapos nilang maghiwalay, mukhang dun din tayo patungo.

Hindi ko makalimutan yung sinabi mo..
“Para tayong nagbrebreak nang wala naman talaga dapat ikabreak.”

Parang ganon. HAHA. Wala nga ba talaga? Eh wala naman na tayong patutunguhan. Para san pa ipagpatuloy diba?

Okay na rin siguro, kahit na sobrang wala ako sa sarili ko.
Gusto kong takbuhan lahat ng tao, gusto kong iwasan lahat. Ayoko makipag-usap sa kahit na kanino. Gusto kong mapag-isa.

Bestfriend?

So kakatapos ko nga lang panuorin yung Love, Rosie na film.
Well, nitong mga nakaraang buwan lang nung natapos ko yung book.
Mas maganda yung book, malamang.

Tungkol sa sobrang solid na magkaibigan.
As in solid! Na tipong kaya nilang itago or hindi sabihin yung nararamdaman nila sa isa’t-isa. Ganun kasolid. HAHA. Labo.

Tapos tanginang yan. Naalala na naman kita. Leche ka.
Parang ngayon lang nagsink-in sakin na, nitong mga nakaraang taon, ikaw pala yung bestfriend ko. As in lahat nasasabi ko sayo, pangit man o maganda. Tangina.

Sa lahat na lang ba ng gagawin ko, maaalala kita?

Nag inom kagabe.
Di na naman natalo ang Rhumpa.
Ang dami pang hinatid, pagkababa sa kotse, boom! Suka! Hahahaha! Tanginang yan.

Ayoko na please.
Hindi ko pa rin mapigilan bisitahin yang tanginang facebook page mo.

Related sa post ko kagabe..

Hindi ko na napigilan yung sarili kong imessage ka.

Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ka na naglilike sa mga posts ko, since break-up. Although klaro naman sating isa’t-isa na friends pa rin tayo. Ang babaw ko lang na nagtataka ako kung bakit hindi ka na naglilike sa posts ko. HAHA. boset! Pero sige baka nga yun lang din yung way mo para makamoveon.

Kaya hindi ko na napigilan yung sarili kong imessage ka at itanong/iconfirm na friends pa rin naman tayo diba? Sabi mo, oo. So okay.

Sabay backread ako sa mga pictures natin sa facebook at messenger. Tangina!

Kaya ako nagpost ng lyrics ng Ang Bandang Shirley song…

Laging tinitingnan mukha nating dalawa. Mga lumang larawan, at mga lumang alaala.

Tapos kinabukasan, nakita ko yung post mo ng lyrics ng Sandwich song..

Bakit di mo pinaglaban? Blablabla.

Tangina mo talaga eh no. HAHAHAHAH. So akala ko, sagot mo yun sa lyrics na pinost ko. Kasi hindi ko naman na nakikita mga posts mo sa news feed ko, tinanggal ko na. Hindi na rin kita nifofollow, pero friends pa rin naman tayo. Dahil ayoko nang makita lahat ng kahit na anong ipost mo. Pero pinupuntahan ko pa rin araw-araw ang facebook mo. Kinginang facebook yan!

Dahil nga sa akala kong reply mo yung Sandwich song sa Ang Bandang Shirley song ko, muntik na kong magbreakdown habang umoorder ng breakfast sa Jollibee. Naluluha na ko, pakshit na yan.

Tapos chineck ko yung timestamp, narealize kong ikaw pala ang unang nagpost. HAHAHAHA. Gagu ko lang.

Pero nagpost ako ng ABS song na hindi ko alam na nagpost ka pala ng Sandwich song.

Tangina this situation! Gusto ko na lang maglaho.

Gusto ko na lang lumayo. Magbike kung saan man mapunta. Ayoko na nang ganito.