Pinost ni shiela yung picture na sinusubuan ko ng nachos si direk pao sa messenger ng zebu. Actyally hinihintay kitang magreact or magmessage sakin tungkol dun since naseen mo naman na. Hahaha  pero asa pa ko diba? 

Wala ka na nga yata talagang pake sakin. Hinihintay ko na lang talagang maaksidente ako o mamatay na ko or maospital para kausapin mo ulit ako. Huhu. Heto na naman ako sa pagbabasa ng mga posts ko dati sa tumblr tungkol satin. Huhu. Miss na kita, ugok ka. 

Advertisements

Wala eh. Ikaw pa rin eh. 

So ilang months na ba beh? Haha. May taon na rin pala no? Pero guess what? Ikaw pa rin beh. Huhu. 

May mga nagpaparamdam sakin na iba. Mga multo. Charot. Pero walang spark eh. Hahaha. Ikaw pa rin talaga eh. Huhuhuhu. Yung tipong kapag kasama ko yung mga yon with friends at nang-aasar sila, alam mo yung hinihiling ko na sana ikaw na lang yung inaasar nila sakin? Alam mo yun? Ang hirap beh. 

So paano tayo makakalaya sa putanginang mundo ng kalungkutan? Huhuhu

Kung may babalikan man ako mula sa alaala nating dalawa, doon ako sa panahon na pareho tayong masaya. Doon sa panahon na hindi pa natin alam ang agwat natin sa isa’t-isa. -Sakaling Hindi Makarating

Hindi ko alam na may ganito tayong picture nung highschool eh. Haha. Nakita ko na lang to sa wallet mo nung naging tayo na. Wala lang. Kinilig ako ng slight non. Haha. Ikaw yung mahilig sa mga ganito eh, yung mga nagtatago ng mga kung anumang bagay na may ikaw at ako. Nasayo pa kaya to? Nasa wallet mo pa kaya? Malamang hindi na no? 

Pero totoo nga yung quote. Kung may babalikan ako, eh yung panahon na masaya lang. Yung wala pang “distansiya” sating dalawa. Yung masaya tayo. Yung hindi muna iniisip ang hinaharap kundi sinasakyan ang daloy ng kasalukuyan. Tangina. Hayst. 

Namimiss na naman kita. Araw araw naman eh. Araw araw pa rin akong dumadalaw sa profile mo, kasi dun na lang naman ako nakakasagap ng balita sayo eh. Hindi mo naman na ko nirereplyan sa kung saanman. Haha. Okay lang naman. Kasalanan ko naman eh. Pero mahal pa rin kita. Pucha. 

Alam mo yung tuwing umuuwi ako, habang nasa bus, hindi makatulog kasi naiisip kita. Kamusta ka na ba? Masaya ka na ba? Mukha namang okay ka na. Thats good. Nakakatuwa lang din na mas minamahal mo na yung sarili mo ngayon kaysa nung tayo pa. Yun naman din sinasabi ko sayo dati diba? Na hindi naman pwedeng ako lagi inuuna mo. Alam mo naman yun. Haha. 

Di ko alam pero hinihiling ko talaga na mabasa mo yung letterlater eme ko sayo at mapadpad ka dito. Hahaha. Actually, gusto ko na nga lang isend sayo tong blog na to eh. Para kahit di ka magreact alam kong mababasa mo. Or babasahin mo nga ba? Hahahahaha. Ewan. 

Ang sarap lang balikan ng mga alaala. Haha. Pero malungkot din pala. Parang nakakapang hinayang. Tangina kasi eh. Tangina talaga. 

Miss na miss na kita. 

At Mahal pa rin kita. 

Ay bakit kaya?

So hindi ka na nagrereply sa text although di ko alam kung yun pa rin number mo. Tapos di mo pa sineeseen message ko sa Facebook. Ewan ko kung may balak ka pa magreply. Haha. 

Pero sige. Okay lang. Wala naman akong karapatan magdemand na magreply ka. Tangina kase. Bat ba ako nakakapit sa message mo nung huli tayong nagkita? 

So dahil pista ng pelikulang pilipino. May mga oras na wala akong kasama or kahit may kasama manuod, naaalala kita. Pucha. Haha. Dahil ikaw talaga ang lagi kong kasama manuod ng films. Kahit anong films. At namimiss ko yun. Namimiss kitang kasama sa sinehan. At dahil namimiss kita, tinext kita na nakakamiss yung kasama ka manuod. Tapos ewan ko kung nagpalit ka ng number or whatever. Pero hindi ka nagreply. Pero feeling ko mas okay yon. Haha. Keri lang. Lilipas din to. 

seenzoned!

Hahahahahahaha! And pak! Seenzoned na naman ako ni Koya. Hahahahaha! Pero sino ba naman ako para kumuda pa diba? Haha. Tangina kasi eh. Gusto ko nang isumbat yung sinabi mo sakin. Na nandiyan ka pa rin pag kailangan kita? Ulul! Wew. 

Sorry. Alam ko wala akong karapatan. Pero naiinis ako kasi mas mahal kita kaysa sa mahal mo ako. Tangina ka. 

So minessage na naman kita. Sorry kase mag-isa lang ako kagabe sa kwarto. At sinabi ko sayo na nakakamiss na ang may kakwentuhan sa life. Tapos biglang nagflashback lahat ng memories. Lahat ng ganap sa buhay ko na kasama ka. At nagbackread ako sa friendship natin sa Facebook. Haha! Tapos narealize ko, bat parang ako lang yata yung nagshashare sayo ng mundo ko? Haha. I mean, like sa movies. Indie movies. Blablabla. Pero sabi mo naman kasi, gusto mo din naman ng nga ganun. Hahaha. Wala lang. Iniisip ko lang kagabe kung pano ba yung mundo mo? Parang wala lang kasing picture na nasa mundo mo ako. Hahaha. Labo. 

Anyway, sobrang namimiss lang kita kagabi. Hanggang sa makatulog na lang ako after umiyak. Nyaks. Tapos ayun, napanaginipan kita. At ang saya saya ng panaginip ko. Huhu. May scene pa dun na magkatabi lang tayo sa kama, tulog lang. Tangina. Hanggang panaginip na lang yata besh. Hahahahhaa.